--Ads--

CAUAYAN CITY- Sinabayan ng militanteng kasapi ng Bagong Alyansang makabayan Cagayan Valley ng kilos protesta ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Isinagawa ng mga militanteng pangkat ang kanilang kilos protesta sa harapan ng pamahalaang panlalawigang kapitolyo ng Nueva vizcaya.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan sa tagapagsalita ng Bagong Alyansang makabayan ng Cagayan Valley na si Mia Liquigan, kanyang sinabi na na layunin ng naturang kilos protesta na iparating kay Pangulong Duterte ang kanilang pagtutol sa malalaking minahan sa lalawigan ng Nueva Vizcaya na sumisira sa kabuhayan at kalikasan.

Sinisingil din nila ang ipinangakong pagbabago ng pangulong tulad ng pagwawakas sa contractualization,pagbibigay ng trabaho sa mga mamamayan, libreng pabahay, edukasyon at ang kanilang pagtutol sa pagpapalawig sa batas militar sa Mindanao.

--Ads--

Isinigaw din ng mga ralyista sa harapan ng kaptilyo ng Nueva Vizcaya ang paghiling sa pangulong pakinggan ang boses ng  mga mamamayan at hindi lamang sa kanyang mga cabinet members at adviser nakikinig upang malutas ang kanilang mga hinaing.

Ayon pa kay Liquigan na maaaring masundan pa ang kanilang pagkilos sa mga susunod na araw hanggat hindi tinututukan ang kanilang panawagan sa administrasyong Duterte.

Ang Kilos protesta ay nilahukan ng mahigit isang daang mga kabataan, mga kababaihan, mga magsasaka, at kasapi ng Non Government Organizations.