--Ads--
Kinatigan ng constitutional court ng South Korea ang impeachment ni President Yoon Suk Yeol nitong Biyernes, Abril 4.
Ang impeachment ay nag-ugat sa pagdedeklara ni Yoon ng martial law noong nakaraang taon na maituturing na pinakamatinding political criis sa bansa sa nakalipas na ilang dekada.
Sa pagpapatalsik kay Yoon sa pwesto, kailangang isagawa ang presidential election sa loob ng 60 araw.
Bago nito ay mananatiling acting president si Prime Minister Han Duck-soo hanggang sa mailuklok ang bagong Pangulo.
--Ads--
Bukod sa impeachment, humaharap din si Yoon sa criminal trial sa insurrection charges.