CAUAYAN CITY- Southwest Monsoon o Habagat ang weather system na nakakaapekto sa silangang bahagi ng Luzon.
Nagpapatuloy naman ang heavy to intense rain na pag-ulan sa may bahagi ng Ilocos Region.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ramil Tuppil, Chief Meteorologist ng DOST- PAGASA, sinabi niya na maulap na may kalat-kalat na pag-ulan pa rin ang mararanasan sa Cagayan Valley ngayong araw.
Bukas ay posibleng maging maganda na ang lagay ng panahon dahil sa pagkilos ng habagat patungong extreme Northern Luzon.
Samantala, maaaring humina na umano ang Bagyong Carina kapag nagland-fall na ito sa Southeastern part ng China.
Aniya, kapag may pumapasok na bagyo sa Phiippine Area of Responsibility partikular sa Silangang bahagi ng Luzon ay napapalakas nito ang Southwest Monsoon.
Ang habagat kasi aniya ay isang seasonal winds na nagmumula sa Indian Ocean na may dalang kaulapan na tumatama sa Bulubunduking Bahagi ng Luzon dahilan ng pagbuhos ng ulan sa mga nagdaang araw.
Sa ngayon ay wala pa naman binabantayang ang PAGASA na anumang sama ng panahon ngunit maaring magkaroon ng circulations sa silangang bahagi ng bansa na posibleng maging Low Pressure Area sa mga susunod na araw.
Batay naman sa kanilang forecast ay aabot sa dalawa hanggang tatlong bagyo ang maaaring pumasok sa PAR sa buwan ng Hulyo habang dalawa hanggang tatlo din na bagyo ang inaasahan sa buwan ng Agosto, Setyembre at Oktubre.