CAUAYAN CITY – Idineklara ngayong araw ng pamahalaang panlalawigan na special non-working holiday para sa malawakang clean up drive sa mga paaralan at sa kapaligiran sa buong Isabela na binansagang “Todas Dengue Todo na ‘to, Ikaanim na Kagat”.
Isa itong paraan para mapuksa ang mga lamok na nagdudulot ng Dengue dahil ang Isabela ang may pinakamaraming Dengue cases sa region 2 sa naitalang 3,689 mula Enero hanggang Hulyo 2019.
Pinangunahan ng mga opisyal ng provincial government ang malawakang paglilinis sa kapaligiran katuwang ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan tulad ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of Education (DepEd), Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP) at Bureau of Fire Protection (BFP).
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Regional Director Rio Magpantay ng DOH region 2 na tumaas na sa 176% ang kaso ng dengue sa rehiyon dos.
Pinuri niya ang malawakang clean up drive sa Isabela para masira ang mga pinamumugaran ng mga lamok na carrier ng Dengue.