
CAUAYAN CITY – Inaasahang mairelease na sa susunod na linggo ang special risk allowance para sa mga health workers na direktang nagmamanage ng covid 19.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Mila Villar, ang Provincial Health Officer ng Quirino sinabi niya na kasalukuyan pa nilang pinoproseso ang mga dokumento para sa nalalapit na pamamahagi ng special risk allowance ng mga health workers sa lalawigan.
Aniya medyo matagal ang proseso dahil may mga dadaanan pa ang mga papeles lalo na at kailangan paring mag ingat sa pamamahagi upang ligtas ang lahat sa covid 19.
Handa naman aniya ang pondo para sa nasabing allowances ng mga health workers.
Dahil kasalukuyan pa ang kanilang pagproseso sa listahan ay maaaring sa susunod na linggo na sila magsisimulang mamahagi ng SRA.
Nilinaw naman ni Dr. Villar na tanging mga healthworkers na direktang nagmamanage ng covid ang tiyak na makakakuha ng special risk allowance ngunit may inilaan namang pondo ang Pamahalaang Panlalawigan para sa mga health workers na hindi direktang nagmamanage ng Covid 19.










