--Ads--

Dahil sa nagbabadyang malaking rainfall intensity ay hindi magbabawas ng spillway gate opening ang NIA-MARIIS sa Magat Dam.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Engr. Gileu Michael Dimoloy, Department Manager ng NIA-MARIIS, sinabi niya na ang kasalukuyang water elevation ng Magat Dam ay 182 meters above sea level.

Sa kasalukuyang elevation ng dam ay kakayanin nitong ma-accommodate ang 150–200mm na ulan.

Aniya, mula Nobyembre 6 ay nagsagawa na sila ng pre-emptive release bilang paghahanda sa ulang dala ng super typhoon Uwan.

--Ads--

Sa ngayon, tatlong spillway gate ang kanilang binuksan na may 5 meters opening.

Inaasahang pag-aaralan nila kung kakailanganin pang magdagdag ng gate opening dahil magsasagawa sila ng evaluation kung ano ang magiging sitwasyon bukas.

Todo pagbabantay din sila sa kanilang mga rainfall water gauges upang mabantayan ang inflow sa dam maging sa Magat River.

Pangunahin sa inaasahang magbabagsak ng malaking volume ng tubig sa dam ay ang bulubunduking bahagi ng Nueva Vizcaya at Cordillera Administrative Region.