Hindi pabor ang isang Sports Analyst na payagang makalahok sa womens division ang mga lalakeng transgender.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Sports Analyst Ian Dalog sinabi niya na hindi naman siya tutol sa pagsali sa Olympics ng mga Transgender subalit kailangang magkaroon ng limitasyon ang pagsuporta sa Gender Equality.
Matatandaang nag-quit sa kalagitnaan ng laban si Italian Boxer Angela Carini matapos na magpakawala ng matitinding suntok si Algerian boxer Imane Khelif.
Marami ang bumatikos sa IOC matapos ang insidente dahil sa unfair umano ito para sa mga babaeng atletang pinaghirapan ang kanilang ticket para makapasok sa Paris Olympics.
Hindi naman ito ang unang pagkakataon na may atletang nakwestiyon ang sekswalidad kaya aasahang matapos ang Olympics ay mag coconvene ang IOC para talakayin ang isyu at pag-aralan kung tuluyan nang ipagbabawal ang pagsali sa Olympics ng mga Transgender.