--Ads--

CAUAYAN CITY – Sumuko sa militar ang 37 anyos na Acting Squad Leader ng Kilusang Larangang Guerilla ng komunistang New Peoples Army na kumikilos sa Tri-boundary ng Abra, Moutain Province at Ilocos Sur.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan inihayag ni Captain Jefferson Somera, hepe ng Division Public Affairs Office ng 5th Infantry Division Phil. Army na halos tumagal ng isang buwan ang ginawa nilang panghihikayat o negosasyon kay Ka Sibat para sumuko sa militar.

Napasuko nila ito dahil sa programa ng Pambansang Pamahalaan na pagbibigay ng seguridad at iba pang pangangailangan para sa kanilang pagbabago.

Inihayag pa ni Captain Jefferson Somera na si Ka Sibat ay nagsuko rin ng mataas na uri ng baril at mga bala at 20 taon na naninilbihan sa komunistang grupo bilang tagapagsalita kung saan siya umano ang pumupunta sa mga kanayunan para hikayatin ang mga mamamayan na sumanib sa kanilang grupo.

--Ads--

Napilitan anyang sumuko si Ka Sibat dahil hindi nito nakita ang ipinangako sa kanya ng komunistang grupo na pagbabago sa kanyang buhay.