--Ads--

CAUAYAN CITY- Nasawi sa aksidente sa daan ang isang Sri Lankan national na pauwi sana sa Dubai ngayong araw.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PO3 Michael Barrientos, tagasiyasat ng Bambang Police Station, kinilala ang biktimang si Arshal Marukkuwa Durage, 29 anyos, nakapag-asawa ng isang pinay at residente ng Salinas, Bambang, Nueva Vizcaya.

Sa paunang pagsisiyasat ng Bambang Police Station galing ang sri lankan at kaibigang si Makili Lintayam, 41 anyos sa inuman sa kanilang barangay at patungo sana sa bayan ng Kayapa nang mawalan ng kontrol sa manibela si Lintayam sa pakurbadang daan at bumangga ang kanilang motorsiklo sa kongkretong signage.

Nagtamo ng bali sa katawan ang sri lankan national na nagsanhi ng kanyang kamatayan habang kasalukuyang nagpapagaling sa ospital si Lintayam sa natamong ng sugat sa katawan.

--Ads--

Nasa state of shock parin ang asawa ng sri lankan at hinihintay pa kung magdedemanda siya sa tsuper ng motorsiklo.