--Ads--

Nagbibigay na ng Calamity loan ang Social Security System o SSS sa kanilang mga myembro na nakatira sa mga bayan na isinailalim sa State of Calamity.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Porfirio Balatico, Vice President ng North Luzon 2 ng Social Security System o SSS, sinabi niya na dati ay provincial wide ang pagbibigay nila ng calamity loan ngunit ngayon ay tanging mga myembro na lamang nasa mga bayang isinailalim sa state of calamity ang pwedeng makapag-avail ng loan.

Kung isasailalim na ang buong lalawigan ng Isabela sa State of Calamity ay buong bayan na rin ang pwedeng makapag-avail.

Kabilang din sa maari nang mag-avail ang mga myembrong mula sa Alfonso Lista at Aguinaldo Ifugao habang 3 months advance pension naman para sa mga nasa Quirino Province.

--Ads--

Aniya napadali na ang pagloan sa SSS dahil online na ang proseso at pabor ito sa mga myembro.

Ang pag-avail ng calamity loan ng SSS ay hanggang sa ikalabing siyam ng Disyembre lamang bagamat maari namang may extension lalo na sa mga bayan na huling magdedeklara ng state of calamity.

Upang maaprubahan ang calamity loan ay kailangang may deklarasyon ang National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC ngunit kung wala pang deklarasyon ay ipakita na lamang ang request letter ng munisipyo sa pagdedeklara ng state of calamity sa kanilang bayan.

Ang mga myembro na may 36 months contribution ay maaring makapag-loan ng hanggang 20,000 pesos.

Sa ngayon karamihan sa mga nag-apply ay mga myembro na mula sa Santiago City.