CAUAYAN CITY – Tinipon ng Metro Manila Film Festival 2023 Gabi Ng Parangal ang pinakamahuhusay at pinakamatingkad na bituin na lumahok sa all-Filipino-film December festival na ginanap sa New Frontier Theater kagabi, ikadalawamput pito ng Disyembre, 2023.
Major acting awards ang iniuwi ng beteranong si Vilma Santos para sa When I Met You In Tokyo at newbie Cedrick Juan para sa Gomburza.
Sa sampung nominated entries, ang Firefly ang nakakuha ng Best Picture at Best Screenplay awards.
Pitong major awards ang nakuha sa Gomburza, ang makasaysayang pelikula na pinangungunahan nina Cedrick Juan, Enchong Dee, at Dante Rivero.
Best Picture ang Firefly, Second Best Picture ang Gomburza at Third Best Picture naman ang Mallari habang Fourth Best Picture ang When I Met You In Tokyo.
Best Actress si Vilma Santos para sa When I Met You In Tokyo at Best Actor si Cedrick Juan para sa Gomburza.
Best Supporting Actor naman si JC Santos para sa Mallari at Best Supporting Actress si Miles Ocampo para sa Family of Two habang Best Director ng Pepe Diokno para sa Gomburza.