--Ads--

CAUAYAN CITY – Tuluyan nang idineklara ng Sangguniang Bayan ng Gamu, Isabela ang State of Calamity dahil sa African Swine Fever (ASF).

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Mayor Nestor Uy, sinabi niya na sa pamamagitan ng deklarasyon ng State of Calamity sa kanilang bayan ay mabibigyan na nila ng karagdagang tulong ang mga backyard hog raisers na apektado ng ASF.

Aniya, sa ngayon wala silang ibang mapagkukunan ng maitutulong sa kanila dahil hindi pa tapos ang kanilang budgeting process kaya nagdeklara na lamang sila ng State of Calamity.

Nakatakda naman silang magpulong sa mga susunod na araw para maibigay na ang tulong sa mga apektadong hog raisers.

--Ads--

Inihayag pa ng punong bayan na sa ngayon ay nasa red category na ang Gamu dahil sa nasabing sakit ng baboy kaya nagsasagawa na ng araw-araw na disinfectant ang 2 barangay na apektado sa kanilang bayan.

Dagdag pa niya na bumuo na rin sila ng task force sa mga barangay na nagmomonitor sa mga pumapasok at lumalabas na baboy sa kanilang mga nasasakupan.

Ayon pa kay Mayor Uy, binabantayan din nila ngayon ang barangay Upi dahil may mga namatay na baboy doon.

Sa ngayon ay kinunan na ng Department of Agriculture (DA) ng blood sample ang mga namatay na baboy para alamin kung ASF ang ikinamatay ng mga ito.

Tinig ni Mayor Nestor Uy.