--Ads--

CAUAYAN CITY- Idineklarang special non-working day sa buong Isabela ang February 12, 2019 habang special non-working day sa February 11, 2019 sa Provincial Government ng Isabela sa pagdalaw ni Papal Nuncio to the philippines Archbishop Gabriele Giordano Caccia sa lalawigan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan inihayag ni media consultant Romeo Santos ng Provincial Government ng Isabela, darating ang Papal Nuncio sa February 11, 2019 sa Provincial Capitol at bibigyan ng parangal bilang kinatawan ng Vatican sa Pilipinas sa kanyang official visit sa Isabela.

Siya ay sasalubungin nina Gov. Bogie Dy, kanyang maybahay at ilan pang opisyal ng provincial government.

Sa gabi ay magkakaroon ng state dinner at cultural presentation sa ampitheather na dadaluhan ng mga inanyayahng opisyal ng pamahalaan at simbahang katolika.

--Ads--

Sa February 12, 2019 ay Pangungunahan ni Papal Nuncio to the philippines Archbishop Gabriele Giordano Caccia ang installation ni Bishop David William Antonio bilang bagong obispo ng Diosesis ng Ilagan.

Isasagawa ang breakfast sa guest house at dakong 8:30am ay pupunta na ang papal nuncio sa St Michael Cathedral bilang pangunahing panauhin sa instalasyon ng bagong obispo ng Diocese of Ilagan.