--Ads--

CAUAYAN CITY – Nanindigan ang Sahara Gaming Corporation na tuloy pa rin ang operasyon sa kanilang STL o Small Town Lottery sa kabila ng pagdeklara ng Persona Non Grata sa kanila sa lalawigan ng Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan sa Operations Manager ng Sahara Gaming Corporation na si Ginoong Anthony Ang-Angco, sinabi niya na bilang operations manager hindi siya titigil maliban na lamang kung may suspension order na siyang galing sa PCSO.

Aniya ang mandato ng PCSO ay magpapatuloy sila ng operasyon.

Sa dami aniya ng trabahong dapat atupagin tulad ng naganap na pagbaha at sa laganap ng virus ay inuuna pa umanong pahintuin ang STL dahil maituturing umanong high risk sa Covid 19.

--Ads--

Ayon kay Ginoong Angco, sumusunod naman sila sa mga health protocols at naipasuri na rin niya ang kanyang mga kawani sa kanilang Betting station at negatibo naman ang lahat ng mga ito.

Aniya walang fair judgement ang pagdeklara ng Persona non grata sa kanila.

Nakakaperwisyo rin umano ito sa trabaho ng kanilang mga kawani na nagtatrabaho lamang para mabuhay.

Ang bahagi ng pahayag ni SAHARA Gaming Corporation operation manager Anthony Ang-Angco.