CAUAYAN CITY – Nakapreposition na ang mga relief packs ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 2 para sa mga posibleng maapektuhan ng bagyong Goring.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Regional Director Lucy Alan ng DSWD Region 2 na handang-handa na sila at sapat ang kanilang stock pile sa lahat ng kanilang ware houses sa rehiyon.
Nakahanda na rin ang mga relief goods sa mga local government units (LGUs) pangunahin na sa mga coastal areas ng rehiyon.
Nakapagdala na rin sila ng mga relief packs sa Batanes bago pa man maging bagyo ang bagyong Goring sa tulong na rin ng Office of Civil Defense (OCD) at Philippine Coast Guard (PCG).
Sa kabuuan ay mayroon silang 36,000 family food packs sa rehiyon kabilang na ang non-food items at sa preposition goods naman ay may 36,638 bukod pa sa non-food items.
Payo nila sa publiko na mag-ingat lalo na sa mga nakatira sa mga mabababang lugar.
Kung maari ay kusa ng lumikas kung hindi ligtas sa baha o pagguho ng lupa ang inyong lugar.
Tinig ni Regional Director Lucy Alan.