--Ads--

Nagpasa ng stopgap funding bill ang House of Representatives sa Estados Unidos upang hindi matuloy ang nakatakdang Government Shutdown bukas sa US.

Matatandaan na nakatakdang mag-shutdown ang Gobyerno ng Estados Unidos sa ika-21 ng Disyembre araw sa America matapos hindi mapagkasunduan ang paglalabas ng pondo para sa hurricane disaster relief maging ang pagpapalawig sa Government funding hanggang sa buwan ng Marso sa susunod na taon.

Inihayag ni Bombo International News Correspodent Marissa Pascual na maraming magiging problema kapag nag-shut down Gobyerno lalo na at holiday season kaya naman ginawan ito ng paraan para hindi maapektuhan ang mga mamamayan.

Bagama’t pasado na ang naturang panukala sa House ay kinakailangan na lamang ang pormal na pag-apruba rito.

--Ads--

Umaasa naman aniya ang mga residente na tuluyan itong maaaprubahan upang hindi ma-kompromiso ang kanilang holiday.