CAUAYAN CITY- Isinagawa ngayong araw ang Street Dance Parade sa San Mateo, Isabela bilang bahagi ng pagdiriwang ng 17th Balatong Festival.
Ito ay nagsimula kaninang alas-7 ng umaga na sinimulan sa harapan ng Pamilihang Bayan ng San Mateo.
Ang mga kalahahok na nagpasiklaban Street Dance Showdown ay mula sa iba’t ibang clustered barangay sa naturang bayan.
Mamayang alas-7 ng gabi ay gaganapin naman ang street dance showdown competition sa Gov. Faustino N. Dy Multi-Purpose Center.
Mamayang gabi ay gagawaran din ng pagkilala ang mga Most Outstanding Munggo Growers sa San Mateo.
Maliban dito ay gaganapin din ang Festival King and Queen Farmers Attire Competition at ang grand finals ng San Mateo Singing Idols.
Ang balatong festival ay nagsimula noong ika-23 ng Mayo na magtatapos ngayong Sabado, Mayo 31.





