--Ads--

CAUAYAN CITY – Sugatan ang 3 tao makaraang banggain ng isang motorsiklo habang nanunood ng fireworks display sa Alicia,Isabela.

Ang mga biktima ay sina Jonas Rosqueta, 16 anyos; Teresita Agliam 20 anyos, may asawa at Freddie Ordana, 26 anyos pawang residente ng Aurora, Alicia, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Alicia Police Station ang mga nasabing biktima ay nasa shoulder part ng daan habang abala sa panunood ng fireworks ng biglang banggain sila ng motorsiklong minamaneho ni Richard Domingo, 33 anyos, may asawa residente ng Apanay, Alicia, Isabela.

Batay sa paunang pagsisiyasat ng pulisya, ang suspek na si Domingo ay patungo sanang silangang direksyon nang mawalan ng kontrol sa pagmamaneho dahilan upang mabangga ang 3 biktima.

--Ads--

Napag alaman din na ang suspek ay nasa impluwensya ng nakalalasing na inumin.

Sa ngayon ang mga biktima kasama na ang suspek ay ginagamot na sa pagamutan.

Nasa malubhang kalagayan ang isa sa mga biktima na si Agliam dahil sa pagkakabagok ng kanyang ulo.

Inihahanda na ang kaukulang kaso laban kay Domingo.