--Ads--

CAUAYAN CITY – Dinakip na ng pulisya ang sugatang rebelde na nailigtas ng mga sundalo matapos na iniwan na lamang ng kanyang mga kasamahan na tumakas sa naganap na sagupaan sa Balbalan, Kalinga.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCpt. Ruff Manganip, Information Officer ng Kalinga Police Provincial Office, sinabi niya na ang sugatang rebelde ay si Gap-idan Claver Bawit alyas AKMA/SIMPLE, Vice Squad Leader ng Squad Uno, KLG BAGGAS, ICRC na natagpuan sa So Saleng, Brgy Balantoy, Balbalan, Kalinga noong ikaanim ng Hunyo, 2024.

Nahaharap si Bawit ng patung-pationg na kaso at number 9 most wanted sa listahan ng Periodic Status Report Threat Group (PSRTG) for 4th Quarter 2023.

Aniya malaking kawalan sa rebeldeng grupo ang pagkakaaresto kay Bawit na vice squad leader ng isa sa natitirang squad ng KLG Baggas.

--Ads--

Inaresto si Bawit sa bisa ng warrants of arrest sa kasong Murder, Frustrated Murder, at Attempted Murder na inilabas ng Regional Trial Court, Branch 39, 2nd Judicial Region, Lubuagan, Kalinga noong ikadalawampu ng Hulyo, 2023 at walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Ayon kay PCpt. Manganip matapos nilang malaman na nasa kamay ng kasundaluhan ang CTG Member ay agad nilang inaresto at naipaalam din ito sa punong bayan ng Balbalan.