CAUAYAN CITY – Bumaba ang kaso mga Suicide cases sa lalawigan ng Nueva Vizcaya noong nakaraang taong 2020.
Batay sa talaan ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office nasa tatlumput limang taong gulang pababa ang mga naitatalang nasasangkot sa nasabing kaso.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Orlando Tacio, Asst. Provincial Communication Affairs and Development Branch o PCADB, kinumpirma niya na nakapagtala ng labing apat na kaso ang lalawigan noong 2021 na mas mababa kung ikukumpara sa labing anim na naitala noong 2019.
Karamihan sa mga naitala ay edad tatlumput lima pababa habang ang iba naman ay limampu pababa at may mga ilan ding senior citizens.
Karamihan sa mga kasong naitala noong 2020 ay dahil sa problema sa pamilya habang ang ilan ay naitala naman dahil sa problema sa pag-ibig partikular ang selos at lahat aniya ng mga ito ay lalaki.
Hinihimok ngayon ng NVPPO ang kanilang mga mamamayan na magtungo sa kanilang tanggapan at makipag-ugnayan upang mabigyan ng Counseling.
Puspusan din ang kanilang information dissemination ukol sa ibat ibang batas sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga Informative materials.
Umaasa naman ang pamunuan ng NVPPO na mababawasan ang mga Suicide Incident na naitatala sa lalawigan.