--Ads--

CAUAYAN CITY – Nakuha ang sulat ng isang ina na nasa ibang bansa sa kanyang anak na sumapi sa rebeldeng pangkat sa kampong nakubkob ng mga sundalo sa barangay Mainit, Bontoc, Mountain Province.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Lt. Col. Ruben Guinolbay, Batallion Commander ng 58th Infantry Batallion na nakasaad sa sulat ng ina sa anak ang pangungumusta at pagkalungkot nito ang pagsama ng anak sa rebeldeng pangkat.

Sa kabila nito ay nagpapadala pa rin ang ina sa anak na rebelde ng mga imported na chokolate at imported na mga de lata.

Sa katunayan anya ay maraming mga imported na tsokolate at de lata ang nakuha sa iniwang kampo ng mga rebelde

--Ads--

Nauna rito ay nagkaroon ng labanan sa pagitan ng mga sundalo at kasapi New People’s Army sa Mainit, Bontoc, Mountain Province na ikinasawi ng isang rebelde.

Bukod sa sa nasabing sulat at mga pagkain ay nasamsam din ang 2 M16 armalite rifle at mga personal na kagamitan ng mga rebelde sa iniwang kampo ng mga rebelde.