CAUAYAN CITY – Hindi alintana ang mainit na panahon ngayon sa Isabela, sumabak na sa pag-eensayo ang mga atleta ng Timor Leste at Indonesia sa Ilagan City Sports Complex bilang paghahanda sa kanilang paglahok sa 12th South East Asian Youth Athletics Championship na gaganapin bukas ang opening ceremony.
Ang mga atleta ng Timor Leste at Indonesia ang unang dumating sa Lunsod ng Ilagan at ngayong hapon ay ang mga delegado ng Thailand at Brunei Darussalam.
Sa Lunes, March 27, 2017 ang pagsabak nila sa mga laro City Of Ilagan Sports Complex
Alas 8:00 ng umaga sisimulan ang mga paligsahan at agad na finals ang unang bugso ng mga laro na kinabibilangan ng 3,000 meter run boys finals at high jump boys finals .
Susundan ng 3,000 meter run girls final, long jump boys finals at Javelin throw girls finals,100 meter girls hits, discus throw boys finals, 800 meter run Girls hits at 100 meter run boys hits
Ang mga laro ay magsisimula 8:00 umaga at magtatapos 11:30 umaga at sa hapon ay magsisimula 2:30 hapon at magtatapos ng 5:20 hapon habang sa open field ay aabutin ng hanggang 8:00 gabi.
Mahigpit ang ipinapatupad na seguridad ng mga kasapi ng PNP at Phil. Army sa loob at paligid ng City Of Ilagan Sports Complex sa Lunsod ng Ilagan.
Noong nakaraang taon ay ginanap ang South East Asian Youth Athletics Championship sa Thailand at sila ang nagkampeon habang ang koponan ng Pilipinas ay nakakuha naman ng isang ginto, isang silver at isang bronze.