--Ads--

Sumiklab ang malaking sunog sa Putra Heights, Malaysia matapos sumabog ang gas pipeline ng isang oil firm company sa naturang bansa.

Sa ngayon ay umabot na sa 112 ang bilang ng mga napaulat na nasugatan, 49 sa mga ito ang nakatanggap medikal na atensyon sa isang medical base sa Sri Maha Kaliamman Temple habang 63 biktima naman ang isinugod sa pagamutan.

Inihayag ni Bombo International News Correspondent Cesar Tableso, na dahil sa patuloy na paglaki ng sunog ay kinailangan nang lumikas ng mga residente na nakatira malapit sa lugar dahil tinupok na rin ng apoy ang ilang mga kabahayan.

Ayon sa fire state department sa Malaysia, natanggap nila ang ulat hinggil sa sunog mula sa isang concernced citizen bandang alas dies ng umaga, oras sa Malaysia.

--Ads--

Nagawa naman umanong I-turn off ng mga awtoridad ang valve ng nasusunog na gas pipeline upang hindi na kumalat pa ang sunog ngunit pahirapan pa rin sa pag-apula ang awtoridad.

Gayunpaman ay pinag-iingat pa rin nila ang mga residente dahil nakakadagdag sa pagsiklab ng apoy ang naiwang gas residue sa naturang pipeline.