--Ads--

CAUAYAN CITY- Nasa pagamutan pa rin ang isang tsuper habang sugatan naman ang dalawa pang lalaki matapos masangkot sa banggaan ng Motorsiklo at Tricycle sa barangay Calao West.

Lulan ng kulay asul na motorsiklo ang nagmamanehong si Eric Pepito, 40 anyos , may asawa at ang kaangkas na isang menor de edad na lalaki at kapwa residente ng Minuri, Jones, Isabela.

Habang ang tsuper kulay maroon na tricycle ay si Jaime Mateo Jr., 52 anyos, may asawa, bus driver at residente ng Barangay San Andres, Santiago City.

Sa pagsisiyasat ng Traffic Group sa pamumuno ni Police Staff Sgt. Vladimir Manglanlan nakita sa kuha ng CCTV Camera ng Barangay Calao West na binabagtas ng Maroon na tricycle ang daan mula sa Roque Street patungong Guzman Street habang patungo naman sa kasalungat na direksyon ang motorsiklo lulan ng dalawang lalaki.

--Ads--

Nang makarating sa bahagi ng intersection, makikita na bigla na lamang sinalpok ng mabilis na motorsiklo ang kasalubong na tricycle sanhi para tumilapon ang mga sakay ng motor.

Agad na dinala sa pagamutan ang dalawang sakay ng motorsiklo.

Nanatili pa rin sa pagamutan ang sakay ng motorsiklo.

Bukas ang magkabilang sa posibleng pag-aayos.