--Ads--

Umakyat na sa apat na kato ang nasawi sa elf truck na nahulog sa Chico River nitong Lunes.

Naganap ang insidente sa Sitio Gawa, Barangay Rocucan, Bontoc, Mountain Province.

Batay sa paunang ulat binabagtas ng elf truck ang mabundok na lugar ng Gawa ng mawalan ng kontrol sa manibela ang driver.

Dahil sa aksidente ay nahulog sa bangin na may lalim na 200 metro ang elf truck bago bumagsak sa Chico River.

--Ads--

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCapt. Peter Apangccay ang tagapagsalita ng Mountain Province Provincial Police Office sinabi niya na ang mga biktima ay pawang mga construction worker na karamihan ay tubong Pangasinan na patungo sana sa kanilang proyekto sa Kuro-Kuro, Sadanga nang mangyari ang insidente.

Sa ngayon nagpapatuloy ang search and rescue operation sa isa pang nawawalang pahinante ng elf truck.

Pahirapan naman ngayon ang pagbaba ng mga rescuers sa lugar dahil sa mahirap na daanan at tanging tali lamang ng ginamit para mailikas ang katawan ng mga naunang biktima.

Hindi naman ito ang unang beses na nakapagtala sila ng ganitong insidente kung saan may sasakyang nahulog sa Chico River na walang naitalang buhay.