--Ads--
Rank 1 sa katatapos na Physicians Licensure Examination si Kharam Baricaua Molbog na tubong Solano, Nueva Vizcaya.
Si Molbog ay nagtapos sa University of Santo Tomas bilang Summa Cum Laude sa kursong Medisina noong 2022.
Sa kaparehong taon ay nasungkit din niya ang pinakamataas na ranggo sa Medical Technology Licensure Examination.
Sa isang panayam, inihayag nito na nais niyang maging specialist sa Cardiology o Radiation Oncology.
--Ads--
Dahil umano sa kakulangan ng Doktor sa Nueva Vizcaya ay nais nitong ilapit ang kaniyang serbisyo lalo na at mayroon lamang dalawang Cardiologist sa kanilang lalawigan.
Si Molbog ay anak nina Jennirex Molbog at Josenia Baricaua na tubong Quezon, Solano, Nueva Vizcaya.





