--Ads--

CAUAYAN CITY– Layunin ng muling pagsasagawa ng Basketball at volleyball summer league na malinang ang angking kakayahan sa palakasan ng mga bata at kabataan sa Cabatuan, Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Mayor Charlton Uy na plano nilang isagawa ang summer league sa bawat barangay.

mayroong multi-cab na ibinigay sa bawat barangay ng Cabatuan na puwedeng gamitin ng mga manlalaro nila na lalahok sa volleyball at basketball league.

Sinabi ni mayor Uy na kaya isasagawa sa bawat baranggay ang taunang palaro ay para makatulong sa mga mamamayan at hindi lamang sa sentro ng cabatuan.

--Ads--

Layunin nito na kumita ang mga maliliit na namumuhunan tulad ng mga nagtitinda ng meryenda at palamig.

Ang laro ng mga nasa elementarya mula umaga hanggang tanghali habang ang mga adult ay hapon hanggang gabi.

Sinabi pa ni Mayor Uy na kinausap niya ang Cabatuan Police Station at mga opisyal ng barangay na pangalagaan ang seguridad ng mga kalahok sa basketball at volleyball league.

May inilaang pondo para sa premyo ng mga mananalo sa liga.

Ang champion ay P/30,000.0; ang 1st runner up ay P/20,000.00 habang ang 2nd runner up ay P10.000.00.

Ang tatlong mananalong barangay ay mabibiyayaan din ng silid aralan.