--Ads--

CAUAYAN CITY – Nasa  kritikal na kondisyon ang isang sundalo matapos bumangga ang sinasakyang motorsiklo sa  isang truck sa pambansang lansangan sa barangay Alibagu, Ilagan City.

Sa paunang pagsisiyasat ng Ilagan City Police Station, binabaybay  ang lansangan ng isang trailer truck na may plakang  PUZ425 na minaneho ni Melchor Basi-Basi Jr., 37 anyos, may- asawa ang  timog na direksiyon  habang nasa kabilang linya naman ang isang Honda  XRM na may plate number 4742 JX na minamaneho  ni Private First Class Al Dagayon na nakatalaga sa 5th Infantry Division Phil. Army  Upi Gamu, Isabela,  28 anyos, residente ng Babalag, Rizal, Kalinga.

Umagaw umano ng linya ang motorsilo at nang dumating sa pinangyarihan ng  aksidente  ay natanaw na umano ng tsuper ng truck ang mabilis na pagharurot ng naturang motorsiklo kayat ipinagilid nito ang kanyang minamanehong sasakyan para maiwasan ang motorsiklo ngunit bumangga pa rin ito sa  likurang  bahagi ng truck.

Lumabas din sa pagsisiyasat ng pulisya na nasa impluwensiya ng nakalalasinng na inumin si Dagayon nang maganap ang aksidente.

--Ads--

Agad namang  tumugon ang mga kasapi ng Rescue 831  at dinala ang biktima  sa Provincial Hospital  subalit inilipat sa pribadong pagamutan dahil sa natamong matinding  sugat  sa kanyang ulo.