--Ads--

CAUAYAN CITY – Patay ang ang isang sundalo matapos bumangga ang kanyang sasakyan dakong alas onse kagabi sa isang kongkretong poste sa Luna, Roxas, Isabela.
Ang biktima ay si Army Sgt. Michael Olog, 35 anyos, may-asawa at residente ng Lanting, Roxas, Isabela.
Lumabas sa pagsisiyasat ng Roxas Police Station na patungo sa Centro Roxas, Isabela si Sgt Olog nang mawalan ng kontrol sa manibela at bumangga sa kongkretong poste ang kanyang minamanehong Montero Sport.
Nagtamo ng malalang sugat sa ulo at dibdib ang sundalo na naging sanhi ng kanyang kamatayan.
--Ads--
Dinala siya ng Rescue 333 sa isang pribadong ospital sa Roxas, Isabela ngunit idineklarang dead on arrival ng kanyang attending physician.










