--Ads--

CAUAYAN CITY – Hindi makakaapekto sa samahan ng pulisya at militar sa Isabela ang nangyaring pamamaril ng isang pulis sa isang sundalo dahil sa kanilang alitan sa paradahan ng isang grill sa Alibagu, Lunsod ng Ilagan.

Matatandaang nagtamo ng dalawang tama ng bala si Army Corporal Richard Limon matapos siyang paputukan ni PSSgt Glen Mark Geronimo matapos ang kanilang sagutan at suntukan.

Si Geronimo ay nakatalaga sa Isabela Provincial Mobile Force Company (IPMFC) habang nakatalaga sa Military Police (MP) si Limon na nasa ligtas nang kalagayan matapos na sumailalim sa operasyon sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC) sa Lunsod ng Tuguegarao.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Army Major Noriel Tayaban, hepe ng Division Public Affairs Office (DPAO) ng 5th Infantry Division Philippine Army na ang argumento sa parkingan nina Limon at Geronimo na humantong sa pamamaril ay maituturing na maliit na bagay para makaapekto sa magandang samahan ng mga pulis at sundalo sa Isabela.

--Ads--

Aniya, magsasagawa sila ng pagsisiyasat kung bakit lumabas si Limon habang sumasailalim sa retraining sa Camp Melchor dela Cruz sa Upi, Gamu, Isabela.

Hindi aniya dapat lumalabas ang isang sundalo kung sumasailalim sa training.

Ito ay periodic na isinasagawa sa mga sundalo ng 5th Infantry Division Philippine Army para mapahusay pa ang kanilang kakayahan.

Kung mapapatunayan aniyang may paglabag si Corporal Limon ay mapapatawan siya ng kaukulang sanction.

Ang tinig ni Army Major Noriel Tayaban