--Ads--

CAUAYAN CITY – Nasa pangangalaga na ng Gamu Police Station ang sundalo na nakabaril at nakapatay sa kanyang kapwa sundalo sa loob mismo ng kanilang quarter sa Camp Melchor Dela Cruz sa Upi, Gamu, Isabela

Nakatanggap ang Gamu Police Station nang pabatid na mula sa isang opisyal ng barangay sa Upi na mayroong naganap na pamamaril sa loob mismo ng kampo ng mga sundalo

Lumabas sa pagsisiyasat ng pulisya na ang biktima ay si Sergeant Ronald Oriero, 34 anyos, may-asawa, residente ng Minagbag, Quezon, Isabela habang ang suspek ay si Master Sergeant Romulo Sanglay, nasa tamang edad, may-asawa at residente ng Nassiping, Gattaran, Cagayan ngunit nakapangasawa ng taga Benito Soliven, Isabela.

Lumabas sa pagsisiyasat ng pulisya na ang biktima ay pumasok sa kanilang headqurters upang kunin ang kanyang motorsiklo at nang siya ay nasa labas na ay kinompronta siya ng pinaghihinalaan dahil sa sinasabing matagal na nilang alitan.

--Ads--

Agad umanong tinutukan ng baril ng suspek ang biktima at pagkatapos ay binaril ng maraming beses na nagsanhi ng kanyang kamatayan.

Inihayag ni P/Chief Inspector Richard Limbo, hepe ng Gamu Police Station na makaraang sumuko ang suspek ay dinala sa military police sa loob ng kampo at nang dumating ang mga kasapi ng Gamu police Station ay ipinasakamay sa kanila si Sanglay.