--Ads--

CAUAYAN CITY- Inaasikaso na ng pamunuan ng 5th Infantry Division ang pag-uwi sa mga labi ng isang sundalong kasapi ng 45th Infantry Batallion na nasawi sa pakikipaglaban sa mga kasapi ng Abu Sayaff Group sa Patikul, Sulu.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, kinilala ni Capt. Jefferson Somera, Division Public Affairs Office Chief ng 5th Infantry Division Phil. Army ang nasawi na si Corporal Jessie James Rodriguez, kasapi ng 45th Infantry Batallion na nakatalaga ngayon sa Patikul, Sulu

Inihayag exklusibong panayam ng Bombo Radyo Cauayan ni Capt. Somera na nagkaroon ng engkuwentro sa pagitan ng mga sundalo at apatnapong kasapi ng Abu Sayaff Group habang nagsasagawa ng operasyon upang maligtas ng mga sundalo sa kamay ng mga ASG ang kanilang dinukot na isang engineer ng DPWH noong araw ng Huwebes.

Sinabi pa ni Capt. Somera na Bukod kay Corporal Rodriguez ay dalawang pang sundalo ang nasugatan sa nasabing engkuwentro na kasalukuyan nang ginagamot

--Ads--

Nasa Zamboanga City na ang bangkay ni Corporal Rodriguez at inaasikaso na ang pagpapa-uwi sa kanyang mga labi sa Villaluz, Delfin Albano, Isabela.

Nagpahatid na ng pakikiramay ang pamunuan ng 5th ID sa pamilya ng nasawing si Corporal Jessie Rodriguez.

Magugunitang mahigit isang taon nang nasa lalawigan ng Sulu ang mga kasapi ng 45th Infantry Batallion na pinamumunuan ni Lt. Col. Reynante Salvador na tumutulong upang masugpo ang mga rebelde at teroristang pangkat sa nasabing lugar.