Nasunog ang opisina ng Department of Public Works and Highways o DPWH sa Quezon City ngayong hapon ng Miyerkules, ayon sa Bureau of Fire Protection – National Capital Region o BFP-NCR.
Batay sa paunang ulat ng BFP-NCR nagsimula ang sunog sa gusali ng DPWH – Bureau of Research and Standards na matatagpuan sa National Irrigation Administration o NIA Road, malapit sa Epifanio delos Santos Avenue (EDSA) sa Barangay Pinyahan.
Itinaas ng BFP ang unang alarma alas-12:50 ng tanghali, sinundan ng ikalawang alarma makalipas lamang ng isang minuto.
Ang ikatlong alarma naman ay sa oras na 12:56 p.m., na ibig sabihin, kailangan na magpadala ang BFP ng nasa 12 fire trucks para tugunan ang tinatayang anim hanggang pitong residential o high-rise buildings na apektado ng sunog.
Wala pang inilalabas na iba pang detalye ang mga awtoridad hinggil sa insidente.











