CAUAYAN CITY – Napanatili ng Super Typhoon Ofel ang lakas nito habang papalapit sa lambak ng Cagayan.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa PAGASA, kaninang alas diyes ng umaga ay namataan ang sentro ng bagyo sa coastal waters ng Divilacan, Isabela.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 185 km/h malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 230 km/h.
Kumikilos ang bagyo pakanluran hilagangkanluran sa bilis na 15 km/h.
Nakataas na sa Tropical Cyclone Wind Signal Number 5 ang mga bayan ng Sta Ana at Gonzaga sa Cagayan.
Signal Number 4 sa Babuyan Islands, northern at eastern portions ng mainland Cagayan partikular sa mga bayan ng Santa Teresita, Ballesteros, Aparri, Camalaniugan, Buguey, Lal-Lo, Allacapan, Gattaran, Baggao, at PeƱablanca at ang northeastern portion ng Isabela partikular sa bayan ng Maconacon, Divilacan, at Palanan.
Nakataas naman sa Signal Number 3 ang lalawigan ng Batanes, nalalabing bahagi ng Cagayan, northern, central, at southeastern portions ng Isabela partikular sa mga bayan ng San Pablo, Delfin Albano, Ilagan City, Tumauini, Cabagan, Santa Maria, Santo Tomas, San Mariano, at Dinapigue, ang northern portion ng Apayao partikular sa mga bayan ng Flora, Santa Marcela, Luna, Pudtol, Calanasan, at Kabugao at ang northern portion ng Ilocos Norte.
Signal Number 2 naman sa western at southern portions ng Isabela partikular sa mga bayan ng Quezon, Quirino, Mallig, San Manuel, Aurora, Cabatuan, Cauayan City, Benito Soliven, Naguilian, Gamu, Burgos, Reina Mercedes, Luna, Roxas, Angadanan, Alicia, San Guillermo, Echague, Jones, San Agustin, San Mateo, at San Isidro, ang bayan ng Maddela sa lalawigan ng Quirino, ang nalalabing bahagi ng Apayao, Kalinga, northeastern portion ng Abra, ang bayan ng Paracelis sa Mountain Province, ang bayan ng Alfonso Lista sa Ifugao, nalalabing bahagi ng Ilocos Norte, at ang bayan ng Dilasag sa Aurora Province.
Nakataas naman sa Signal Number 1 ang nalalabing bahagi ng Isabela, nalalabing bahagi ng Quirino, Nueva Vizcaya, nalalabing bahagi ng Mountain Province, nalalabing bahagi ng Ifugao, nalalabing bahagi ng Abra, northern portion ng Benguet, Ilocos Sur, northern portion ng La Union, at ang northern at central portions ng Aurora partikular sa mga bayan ng Casiguran, Dinalungan, Dipaculao, Maria Aurora, Baler, at San Luis.
Mamayang hapon ay posibleng maglandfall na ang bagyo sa silangang bahagi ng Cagayan at pagkatapos nito ay posibleng muling maglandfall ang bagyo sa mga isla ng Babuyan Group at posibleng nasa karagatan na ito ng Batanes bukas.
Pinag-iingat naman ang publiko lalo sa mga direktang tatamaan ng sentro ng bagyo.