Maglalandfall na ang Super Typhoon Pepito sa eastern coast ng Catanduanes.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa coastal waters of Gigmoto, Catanduanes. Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 195km/h malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 240km/h. Kumikilos ang bagyo pa northwestward sa bilis na 20km/h.
Sa ngayon nakataas ang tropical cyclone wind signal no. 5 sa Catanduanes at northeastern portion ng Camarines Sur (Caramoan, Garchitorena, Lagonoy, Presentacion)
Signal no. 4 naman sa Camarines Norte, northern at southeastern portions ng Camarines Sur (Siruma, Tinambac, Goa, San Jose, Tigaon, Sagñay, Calabanga), at northeastern portion ng Albay (City of Tabaco, Tiwi, Malinao, Malilipot, Bacacay, Rapu-Rapu)
Signal no. 3 naman sa Aurora, Polillo Islands, northern at eastern portions ng mainland Quezon (Calauag, Guinayangan, Tagkawayan, Buenavista, Lopez, Quezon, Perez, Alabat, Gumaca, Plaridel, Atimonan, Real, General Nakar, Infanta, Mauban, Sampaloc), eastern portion ng Rizal (Tanay, Pililla), northeastern portion ng Laguna (Santa Maria, Famy, Mabitac, Pakil, Pangil, Siniloan, Paete, Kalayaan, Lumban, Cavinti), natitirang bahagi ng Camarines Sur, natitirang bahagi ng Albay, at northern portion ng Sorsogon (Prieto Diaz, City of Sorsogon, Gubat, Barcelona, Castilla, Casiguran, Pilar, Donsol)
Signal no. 2 naman sa Luzon ang:
Isabela, Quirino, Nueve Vizcaya, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Benguet, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Nueva Ecija, Bulacan, Tarlac, Pampanga, Zambales, Bataan, Metro Manila, natitirang bahagi ng Rizal, natitirang bahagi ng Laguna, Cavite, natitirang bahagi ng Quezon, Marinduque, Burias Island, Ticao Island, at natitirang bahagi ng Sorsogon
Visayas:
Northern Samar, northern portion ng Samar (Matuguinao, Calbayog City, Santa Margarita, San Jorge, San Jose de Buan, Gandara), at northern portion ng Eastern Samar (Dolores, Maslog, Jipapad, Arteche, Oras, San Policarpo)
Signal no. 1 naman sa Luzon ang:
Mainland Cagayan, Apayao, Ilocos Norte, Batangas, northern portion ng Occidental Mindoro (Sablayan, Santa Cruz, Mamburao, Abra de Ilog, Paluan) maging ang Lubang Islands, northern portion ng Oriental Mindoro (Puerto Galera, San Teodoro, Naujan, Baco, Victoria, Socorro, Pinamalayan, Bansud, Gloria, Pola, City of Calapan, Bongabong, Roxas, Mansalay), Romblon, at natitirang bahagi ng Masbate
Visayas:
Natitirang bahagi ng Eastern Samar, natitirang bahagi ng Samar, Biliran, northern at central portions ng Leyte (Tunga, Pastrana, San Miguel, Matag-Ob, Tolosa, Palo, Calubian, Leyte, Mayorga, Julita, Carigara, Babatngon, Dagami, Jaro, San Isidro, Santa Fe, Albuera, Villaba, La Paz, Palompon, Tabontabon, Tanauan, Merida, Ormoc City, Isabel, Dulag, Capoocan, Alangalang, Burauen, Tabango, Tacloban City, Kananga, Barugo), northernmost portion ng Cebu (Daanbantayan, Medellin) maging ang Bantayan Islands, at northernmost portion ng Iloilo (Carles)
Batay sa forecast track ng DOST-PAGASA, kikilos ang bagyo pa west northwestward sa paglandfall nito sa norther o central portion ng Catanduanes ngayong alas-8 hanggang alas-10 ng gabi at dadaan sa karagatan ng Camarines Province bukas ng madaling araw at dadaan malapit sa Polillo Islands ng umaga o tanghali bagong muling maglandfall sa Northern Quezon o central/southern Aurora bukas ng tanghali o hapon.
Tatawid ang bagyo sa northern portion ng Central Luzon at southern portion ng Northern Luzon pangunahin sa upland areas ng Sierra Madre, Caraballo, at Cordillera Central bukas ng hapon at gabi. Lalabas naman ang bagyo sa coastal waters ng Pangasinan o La Union bukas ng hatinggabi o lunes ng madaling araw(18 November).
Kapag nasa West Philippine Sea na ang bagyo, kikilos ito pa west northwestward sa buong araw ng lunes at maaring lumabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).