--Ads--

CAUAYAN CITY – Patuloy na hinihiling ng Cauayan City Police Station ang koordinasyon at suporta ng mga punong barangay sa kanilang programa.

Kahapon ay ginanap ang isang pagpupulong na pinangunahan ni OIC PLtCol. Sherwin Cuntapay at dinaluhan ng mga punong barangay at ilang ahensya ng pamahalaan.

Ibinahagi ni Lt.Col. Cuntapay ang kanilang mga programa tungkol sa peace and order at kampanya kontra iligal na droga/

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PLt. Scarlette Topinio, ang Public Information Officer ng Cauayan City Police Station sinabi niya na patuloy ang kanilang kampanya kontra iligal na droga.

--Ads--

Aniya sa animnaput limang barangay sa lunsod ay mayroon nang labing siyam na drug free at dalawamput anim na drug cleared at sa natitirang dalawampung barangay ay siyam na ang kasulukuyan ang validation ng PDEA at DOH.

Sa kasalukuyan ay ang labing isang barangay ang kanilang tinututukan ngayon upang maideklarang drug cleared barangay na rin ang mga ito.

Aniya malaking tulong ang koordinasyon at suporta ng mga mamamayan sa kanilang programa dahil sila ang mas nakakaalam sa nangyayari sa kanilang barangay.

Muli namang hinikayat ni PLt. Topinio ang mga mamamayan at Brgy Official na isulog sa kanilang tanggapan ang mga makikitang gumagawa ng iligal na gawain sa loob ng kanilang lugar pangunahin na ang iligal na droga upang ito ay mahuli.

Ang bahagi ng pahayag ni PLt. Scarlette Topinio