--Ads--

CAUAYAN CITY- Mababa na ang supply ng dugo sa Lalawigan ng Isabela dahil sa kawalan ng mga nagdodonate.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Mark Oliver Alimuc- Officer- in –Charge ng PRC Isabela, sinabi niya na kasalukuyang critical status ng dugo sa PRC Isabela blood bank dahil sa kawalan ng mga nag dodonate.

Nagsimula ang kakulangan ng dugo nitong unang Linggo ng buwan ng Mayo hindi lamang sa Isabela kundi sa buong Region 2.

Ilan sa mga nakikitang dahilan ay ang kawalan ng mga nagdodonate sa mga organized blood letting activity, at pagkaantala ng mga blood letting activity sa mga munisipyo dahil sa katatapos na halalan.

--Ads--

Para matugunan ang kakulangan ng dugo sa Isabela ay kumukuha na sila ng supply sa Red Cross main office.

Karaniwang mga pasyente na nagangailangan ng dugo ay ang mga dialysis patient, nanganganak, at mga naaaksidente.

Hinihikayat nila ang mga estudyante na mag walk in na sa kanilang tanggapan para makapag donate ng dugo.

Samanatala, abala din ang Philippine Red Cross para sa humanitarian response sa mga residenteng naapektuhan ng magkakasunod na bagyo sa Isabela.

Sa katunayan katatapos lamang ng relief distribution sa Bayan ng Ramon kung saan nasa 250 beneficiaries ang nabigyan ng tulong.

Naka schedule na rin ang kaparehong aktibidad sa Cordon, Echague, at Dinapigue.