CAUAYAN CITY – Naibalik na sa normal ang supply ng kuryente ng matapos itong itaas sa yellow alert ng National Grid Corporation of the Philipines (NGCP) North Luzon.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Division Chief Danny Caliangan ng DOE Luzon Field Office, sinabi niya na nagpatupad sila ng yellow alert kahapon dahil sa pagnipis ng suplay ng kuryente.
Ito ay bunga ng power outages ng nasa limang planta ngunit agad din itong naibalik sa normal.
Sinabi pa ni Ginoong Caliangan na malaki ang epekto nito sa mga mamamayan kaya ipinapayo nila sa mga consumer na magtipid sa paggamit ng kuryente.
Dahil aniya sa sobrang paggamit ng kuryente at malaking demand nito kaya nagninipis ang tustos ng kuryente.
Tinitiyak nila na laging nasa maayos ang kanilang serbisyo at kung may aberya man ay agad nila itong ginagawan ng pamamaraan.