CAUAYAN CITY – Inamin ng pamunuan ng National Food Authority (NFA) Region 2 na Limitado ngayon ang tustos ng NFA rice sa rehiyon ngunit sapat ang supply commercial at household rice
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Regional Manager Mario Gonzales ng NFA Region 2, sinabi niya na ang 73,000 bags ng bigas na nasa kanilang imbentaryo ay tatagal lamang ng 2 araw ngunit nilinaw niya na sa ngayon ay walang shortage ng bigas.
Sa kabuuan ng imbentaryo ng industriya ng bigas sa ikalawang rehiyon ay mayroong 5.3 million bags na magtatagal ng isang daan animnaput siyam na araw.
Ang Commercial rice ay may 3.1 million bags habang dalawang milyong bags sa household rice.
Ayon kay regional manager Gonzales, ang pangunahin nilang pinaglalaanan sa limitado nilang imbentaryo ay ang para sa relief operation kapag may kalamidad ng NDRMMC DSWD at LGUs at huling prayoridad ang para sa mga retial outlets.
Aniya, binigyan ng schedule ang mga retail oulets na kumuha ng alokasyon ng NFA rice batay sa kasalukuyang imbentaryo ng mga lalawigan. Ginawa ang patakaran dahil sa delikadong imbentaryo ng bigas sa rehiyon.
Sinabi ni ginoong gonzales na umabot sa puntong ito ang imbentaryo ng bigas sa ikalawang rehiyon na pinagmumulan ng malaking tustos ng bigas para sa ibang lugar sa bansa dahil hindi sila bumili ng maraming palay sa nagdaang anihan dahil mas mahal ang presyo ng mga pribadong traders na nakatulong sa mga magsasaka.
Bukod dito ay hindi pa naaprubahan ang kahilingan ng NFA na umangkat ng bigas sa ibang bansa.




