--Ads--

CAUAYAN CITY– Naantala ang delivery ng mga pagkain kaya nagprotesta na ang mga mamamayan na nasa lockdown areas dahil kulang na ang supply ng mga pagkain.

Inihayag ni Bombo International News Correspondent Rodalyn Alejandro, OFW sa China na tubong Angadanan, Isabela na para malutas ang kakulangan ng mga pagkain ay pinayagan na ang biyahe ng mga cargo vehicles.

May mga pinayagang magbenta ng mga pagkain ngunit hindi sapat kaya nagkaubusan ng supply.

Ayon kay Ginang Alejandro, may mga lugar sa China ang pinalawig ang lockdown at nanawagan ng supply ng mga pagkain.

--Ads--

Mataas pa rin ang mga kaso ng COVID-19 sa China dahil mahigit dalawampung libo ang mga naitalang kaso kahapon.

Isinailalim sa tatlong areas ang mga lugar na may mga kaso pa rin ng COVID 19 na kinabibilangan ng control areas, precautionary areas at lockdown areas.

Ang bahagi ng pahayag ni Bombo International News Correspondent Rodalyn Alejandro, OFW sa China