--Ads--

CAUAYAN CITY– Sapat ang supply ng sibuyas sa ikalawang rehiyon ngunit may kamahalan dahil galing pa sa Nueva Ecija at cold storage sa Valenzuela City.

Umaabot sa 300 pesos hanggang 350 pesos ang bawat kilo ang bentahan ng sibuyas sa rehiyon.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Regional Executive Director Narciso Edillo ng Department of Agriculture ( DA ) region 2 na may mga maagang nag-ani na magsasaka na nagtanim sa off-season at ibinebenta sa mga Kadiwa stores sa presyong 200 pesos hanggang 250 pesos ngunit maliit lang ang supply.

Ang mga supply ay galing sa Sto Ninio, Cagayan; Bagabag at Aritao sa Nueva Vizcaya ngunit naubos agad sa mga 26 na Kadiwa stores.

--Ads--

Ang full harvest sa mga taniman ng sibuyas sa Bagabag at Aritao, Nueva Vizcaya ay magaganap sa Pebrero hanggang Marso ngayong taon.

Ayon kay Regional Executive Director Edillo, hindi self-sufficient ang ikalawang rehiyon sa tustos ng sibuyas kaya umaangkat sa ibang rehiyon.

May cold storage sa bayan ng Aritao na puwedeng paglagyan ng sampung metriko tonelada na maani sa Pebrero atMarso para hindi agad maibenta upang mas malaki ang kita ng mga magsasaka.

Naibebenta rin sa labas ng rehiyon ang kanilang produkto dahil sa mas mataas na presyo.
Ayon pa kay Ginoong Edillo, maaaring maranasan ang 80 pesos bawat kilo ng sibuyas sa anihan sa buwan ng Marso.

Mahalaga aniya ang cold storage sa bayan ng Aritao para kung maantala ng kahit isang buwan ang pagbebenta ng mga magsasaka ay maibebenta nila sa mas mataas na presyo ang kanilang mga produkto.

Ngayong taon ay prayoridad ni Pangulong Marcos bilang kalihim ng DA ang pagpapatayo ng mga cold storage gayundin ng mga post harvest facilities at farm to market roads.

Ang pahayag ni Regional Executive Director Narciso Edillo.