--Ads--

Ginunita ng mga surviving veterans at ang mga anak ng mga beterano ang araw ng kagitingan ngayong araw sa Veterans Park sa Tagaran, Cauayan City.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Retired Colonel Fernando Felix, veteran, sinabi niya na mahalaga na maisapuso ang araw na ito bilang pagkilala sa mga sundalong nagbuwis ng kanilang buhay para sa bayan.

Aniya, bilang isang veteran, hindi mahalaga para sa kanila ang kanilang buhay magampanan lang nila ang kanilang tungkulin na maprotektahan ang bansa.

Batid niyang ito rin ang damdamin ng mga sundalong kabilang sa makasaysayang Bataan March noong 1942.

--Ads--

Samantala, naging emosyonal naman ang isa sa mga anak ng beteranong lumaban sa mga hapon para sa kalayaan ng bansa.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Gil Ancieler, Presidente ng Sons and Daughters of Veterans, binalik tanaw nito ang sakripisyo ng kanyang ama para sa kaniya at sa bayan.

Aniya, ikinararangal niyang siya’y isang anak ng bayani na lumaban at naging kasangkapan para sa kalayaan at kasarinlan ng bansa.