--Ads--

CAUAYAN CITY– Tinutugis na ng mga miyembro ng Cauayan City Police Station ang mga suspek na sumaksak, pumatay at inihulog sa balon ang bangkay ng isang binata sa isang balon sa bakanteng bahay sa San Fermin, Cauayan City.

Ang biktima ay si Edward Dalog, 28 anyos, walang asawa at residente ng Labinab, Cauayan City.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni PLt. Zosimo Zambrano ng Cauayan City Police Station na mayroon na silang gabay sa pagpatay sa biktima at kasalukuyan na nilang pinaghahanap ang mga suspek.

Inihayag pa ni PLt. Zambrano na natuklasan nila ang bangkay ni Dalog dahil may lumitaw na testigo sa pagtapon sa bangkay sa malalim na balon.

--Ads--

Ayon sa testigo, nagkaroon lamang umano ng biru-biruan na nauwi sa mainitang pagtatalo na nauwi sa pananaksak kay Dalog.