--Ads--

‎Nakapiit na sa custodial ang 19-anyos na suspek, isang estudyante at residente ng Saguday Quirino matapos arestuhin pasadong alas 9:30 ng gabi

‎Kasunod ng umano’y pagpatay sa isang guro ng paaralan sa kanilang inuupahang boarding house sa Barangay Villasis, Santiago City, nitong ika-30 ng Disyembre.

‎Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PLTCOL Osmundo Mamanao, Officer in-charge ng City Community Affairs and Development Unit ng Santiago City Police Office, sinabi nito na inihahanda na ng SCPO ang kaso laban sa suspek, kabilang ang Robbery with Homicide at Carnapping.

‎Batay sa isinagawang imbestigasyon ng Presinto Uno at pagsusuri sa CCTV footage, nakilala ang suspek na nakasama ang biktimang si Jhanmar Carbonel Eugenio, 31 anyos, nang dumating sila sa boarding house bandang alas-12:00 ng hatinggabi noong Disyembre 29.

‎Makalipas ang dalawang oras, umalis ang suspek sakay ng motorsiklo ng biktima, dala ang kanyang backpack at iba pang gamit.

‎Natukoy ang pagkakakilanlan ng suspek sa pamamagitan ng kasamahan nito maging ang Facebook Messenger ng biktima kung saan batay rito nagkakilala umano ang biktima at ang suspek nitong ika-dalawamput walo ng disyembre na ayon sa impormasyon gumagamit ang suspek Ng screen name na Nel Kudan.

‎Narekober Mula sa suspek ang motorsiklo, wallet, cellphone ng biktima, at ang suot na damit ng suspek noong naganap ang krimen.

‎Matatandaan na natagpuan ang biktimang si Jhanmar dakong alas-10:00 ng umaga nitong ikatatlo ng Disyembre ng isang ginang na pinagpalabhan nito Ng uniporme at tumambad sa kanya ang duguang mukha ng guro habang may nakapulupot na extension wire sa kaniyang leeg.

‎Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya, habang inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa suspek.

‎Sa ngayon, hindi pa malinaw kung may naunang alitan ang dalawa bago humantong sa krimen.