--Ads--

Dumalo ang Bondi Beach mass shooting suspect na si Naveed Akram sa korte sa Sydney sa pamamagitan ng video mula sa bilangguan, sa kanyang unang pampublikong pagdinig mula nang mangyari ang pinakamatinding mass shooting sa Australia sa halos tatlong dekada.

Kasama sa kaso ni Akram ang terrorism, 15 counts ng murder, iba’t ibang kaso ng pananakit na may intensyon na pumatay, at pagtatanim ng pampasabog.

Ang kanyang ama na si Sajid Akram ay nasawi sa shootout kasama ang pulis matapos ang pag-atake sa isang Hanukkah celebration noong Disyembre.

Tinalakay sa pagdinig ang timeline ng ebidensya at iba pang teknikal na usapin, kabilang ang pagtatakda sa pagkakakilanlan ng ilang biktima. Dadalo muli si Akram sa korte sa March 9.

--Ads--