--Ads--

CAUAYAN CITY – Tukoy na ng mga kasapi ng Quirino Police Station ang mga persons of interest o itinuturing na suspek kaugnay sa pagbaril at pagpatay sa isang retiradong pulis sa San Mateo,Quirino,Isabela.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay P/Sr. Insp. Fernando Malillin, hepe ng Quirino Police Station, sinabi niya na mayroon nang itinuturing na suspek bagamat tumanggi muna siyang isapubliko ang kanilang pagkakakilanlan.

Matatandaan na pinagbabaril kahapon ng mga pinaghihinalaan ang biktimang si Retired SPO1 Ramon Villanueva, 62 anyos at residente ng San Mateo Quirino, Isabela.

Sinabi pa ni Police Senior Insp. Malillin na maaaring may kinalaman sa alitan sa lupa ang motibo sa nasabing krimen.

--Ads--

Sa teorya ng pulisya, posibleng kakilala rin ng biktimang si Villanueva ang mga suspek na posibleng kasapi umano ng gun for hire.

Ang mga persons of interest ay aanyayahan sa himpilan ng pulisya para sa pagsisiyasat upang malutas ang kaso.