--Ads--

CAUAYAN CITY – Patay na nang matagpuan sa banyo ng kaniyang selda ang suspek sa panggagahasa at pagpatay sa sarili nitong pinsan sa Barangay Masigun, Roxas, Isabela.

Ika-dalawampu’t tatlo ng Disyembre nang maaresto ang dalawampu’t anim na taong gulang na suspek.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Pmaj. Ardee Tion ang Hepe ng Roxas Police Station sinabi niya na alas siyete kagabi nang madiskubre ng Police on duty sa loob ng banyo ng selda ang nakabigting katawan ng suspek.

Hinihinalang ginamit nito ang isang tela na itinali nito sa isang tubo.

--Ads--

Wala naman aniya silang anumang napansin na kakaiba sa kilos ng suspect nang maaresto ito gayunman hindi ito kumikibo habang kinakausap siya ng kaniyang mga kamag anak.

Ayon kay Pmaj. Tion na naaresto ang suspek nito lamang Sabado matapos silang rumesponde sa report ng pangagahasa kung saan naabutan pa nila itong lango sa nakalalasing na inumin at nagtatago sa putikan.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, pwersahang pumasok ang suspek sa bahay ng biktima subalit nagawang makalabas ng biktima at tumakbo patungo sa bukid.

Nahabol ng suspek ang biktima at inilublob ang ulo sa putikan at doon ginawa ang panghahalay.

Pinayuhan na ngayon ang pamilya ng suspek na magtungo sa pagamutan para masilayan ang labi nito.

Bukas naman sila na mag sagawa ng hiwalay na pagsisiyasat sa insidente katuwang ang PNP Internal Affairs Service.