--Ads--

CAUAYAN CITY – Napatay ng mga pulis ang isa habang nasugatan ang isa pang suspek sa mga serye ng panghoholdap na kinabibilangan ng panloloob sa isang computer shop na pinatay pa ang may-ari at ginahasa ang kanyang kapatid na dalaga sa Ramon, Isabela.

Ang napatay sa naganap na habulan matapos na hindi sila tumigil sa inilatag na anti-criminality at oplan visa checkpoint sa General Aguinaldo, Ramon, Isabela ay nakilalang si Rolly Amayad Iguid, residente ng Bantay, Paracelis Mt. Province.

Hindi pa natukoy ang pangalan ng nakatakas

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni P/Chief Inspector Lord Wilson Adorio, hepe ng Ramon Police Station na isang concerned citizen ang tumawag sa kanilang hotline at ipinabatid na ang dalawa lalaki na kanilang nakita ay may pagkakahawig sa dalawang suspek na ipinost nila sa social media.

--Ads--

Ayon kay P/Chief Inspector Adorio, hindi tumigil sa checkpoint si Iguid at kasama na nagmaneho ng nakaw na motorsiklo kaya nagkaroon ng habulan hanggang San Miguel, Ramon.

Nakipagpalitan ng putok sa mga pulis si Rolly Iguid na tinamaan ng bala sa kanyang ulo at iba pang bahagi ng katawan.

Ayon kay Chief Inspector Adorio, si Iguid na bagamat nagpahaba ng balbas ay positibong kinilala ng mga biktima ng kanilang panghoholdap.