--Ads--

Nakontrol na ng Syrian opposition forces ang pangalawang pinakamalaking lungsod ng Syria na Aleppo City matapos ang mabilis na pag-abanse ng daan-daang sundalo upang pabagsakin ang administrasyon ni President Bashar al-Assad.

Nagsagawa ng surprise attack ang rebel alliance nitong linggo at sinuyod ang silangang bahagi ng Aleppo at nagdulot naman ng kaguluhan sa lungsod. Ito ang unang pagkakataon na nakatungtong sa lungsod ang mga Syrian rebels mula pa noong civil war ng 2016.

Nananatili namang nasa kontrol ng pamahalaan at Iranian militia allies ang northeastern portion ng Aleppo.

Idineklara na ng rebel forces ang 24 hour curfew sa mga nasakop nilang lugar habang dose-dosenang sundalo ng Syria ang nasawi sa opensiba ng mga rebelde.

--Ads--

Tiniyak naman ng Syria Defense ministry na magsasagawa sila ng counteroffensive na pag atake sa mga susunod na oras.