--Ads--

CAUAYAN CITY- Walang magawa ang mga namamasadang tricycle driver sa lungsod ng Cauayan hinggil sa pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo

Nawalan na rin sila ng pagasa na bababa ito ng malaki dahil sa tuwing nagkaroon ng bawas presyo ay sentimo lamang habang kapag nagdadag ay umaabot sa mahigit piso

Ngayong araw, ay tumaas ang lahat ng uri ng produktong petrolyo ng mahigit piso

Kasunod nito, sa halip na magreklamo ay kahilingan ng mga namamasada sa lungsod ang taas pamasahe.

--Ads--

Ayon kay Kuya Tony Vargas, isang tricycle driver, dapat ikonsidera rin ng mga nasa posisyon ang pagtaas ng presyo ng gasolina

Pandemic pa nang ito ay kanilang hilingin ngunit ilang taon ay nananatili pa rin sa kinse pesos ang pamasahe ng mga nasa Poblacion

Ayon sa mga driver, maigi sanang maitaas ito sa 20 pesos upang makabawi sa patuloy na pagtaas ng gasolina

Giit din ng ilan, bagaman may pag uusap na kamakailan hinggil sa hinaing ng mga motorista ay nananatili pa rin naman ito sa usapan at wala pa silang nakikitang pagbabago sa singil ng pamasahe

Anila, mag eeleksiyon na naman ngunit hanggang sa ngayon ay wala pa ring tugon sa hiling nila na taas pamasahe

Matatandaan na kamakailan ay nagsagawa ang committee on transporation sa lungsod ng Cauayan ng pagdinig upang malaman ang hinaing ng mga motorista sa lungsod.